Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na gagawing 50 percent na ang diskuwento sa mga mag-aaral na sasakay sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.
Sinabi ni transportation secretary Vince Dizon, na kailangan lamang ipakita ng mag-aaral ang kanilang valid school ID o proof of enrollement sa ticket counter para makakuha ng diskuwento.
Kabilang din na mabibigyan ng diskuwento ang mga post-graduate studies.
Paglilinaw nito na ngayon ay ipinapatupad lamang ito sa single-journey tickets.
Inaayos lamang ng kaniyang opisina kung maari na itong mai-apply sa mga Beep Cards.
Sasagutin ng gobyerno ang mga discounts ng mag-aaral na sasakay sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.
Sa ngayon ay pinag-aaralan naman ng DOTr ang pagbibigay din ng kahalintulad na discounts sa mga senior citizens.