Agaw pansin ang aktres na si Maris Racal sa 27th Taipei Film Festival, suot ang modern Filipiniana.
Ang nasabing look ay bespoke black-and-white na terno ni Filipino designer AJ Javier, kung saan pinagsama ang tradisyon at modern style, na hango sa iconic na damit ni Audrey Hepburn sa pelikulang ”Sabrina” noong 1954.
Ayon sa stylist niyang si Adrianne Concepcion, ang disenyo ay may mga tasselled butterfly sleeves bilang patunay ng kulturang Pilipino. Kasabay nito ang kanyang makeup na simple ‘but’ elegant na nag-papakita ng kanyang natural na ganda.
Samantala kasama ni Maris ang direktor ng pelikulang ”Sunshine” na si Antoinette Jadaone, kung saan tungkol ang pelikula sa isang batang gymnast na nalaman niyang buntis habang nasa rurok na ng kanyang karera.
Magugunitang nakasama ang pelikula sa Berlin Film Festival na ipapalabas sa mga sinehan dito sa Pilipinas.