-- Advertisements --

Iginiit ng sinibak na si Board of Special Inquiry Chief Atty. Gilberto Repizo na hindi umano nito susundin ang inilabas na direktiba ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sa isang liham ni Atty. Gilberto Repizo, kanyang ibinahagi ito kasabay ng pagkuwestyon sa pagkakatanggal mula sa puwesto.

Kung saan kanyang binigyang diin ang karapatan na nakasaad sa isang resolusyon ng Civil Service Commission particular sa 2017 Omnibus Rules on Appointment and other Human Resource Actions.

Ang kanyang pagsusumite ng liham sa tanggapan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ay ibinahagi niya din umano kina Immigration Commissioner Joel Anthony Viado at ang nakatakdang acting chief ng Board of Special Inquiry na si Atty. Ruben Casibang Jr.

Ang ginawang hakbang na ito ay kasunod ng siya’y sibakin sa puwesto ni Secretary Remulla at palitan ng agaran sa puwesto.

Base kasi sa inisyung Department Order ng kalihim ay ‘reassigned’ si Atty. Respizo at pansamantala munang mag-uulat sa tanggapan ng Office of the Justice Secretary.