-- Advertisements --

Nagpatupad ng muling paghihigpit ang ilang mga European states matapos ang pagkatala ng muling pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Mula pa noong July 1 ay inilagay na sa lockdown ang nasa 700,000 na residente ng Lisbon, region na ito ay magtatapos hanggang sa katapusan ng buwan.

Nasa apat na milyon na residente ng Barcelon Spain rin ang pinayuhan na manatili sa kanilang bahay at makakalabas lamang ng bahay kapag sila ay may bibilihin na importante gaya ng gamot.

Noong Hunyo 30 ay nagpatupad na rin ng localised na dalawang linggo ang central city ng Leicester kung saan tiniyak ni British Prime Minister Boris Johnson na baka makabalik na sa normal na sitwasyon sa buwan ng Disyembre.

Inurong naman ng Ireland sa Agosto ang pagbubukas ng mga bars at paglimita sa hanggang 50 katao lamang ang maaring payagan sa isang pagpupulong.

Ipinagutos naman ng France ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.

Bagamat hindi gaano apektado ang bansang Germany ay naghigpit na rin sila sa pagpapatupad ng kanilang health protocols.

Mula pa noong July 12 ay nagbawal na ang Belgium na papasukin ang mga dayuhan na galing sa South America, Africa at karamihan sa Asya dahil na rin sa banta ng coronavirus.