-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Department of Agriculture (DA) na mayroong isang probinsiya lamang sa kabuuang 82 sa bansa ang hindi pa nagkakaroon ng P20/kg na bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na tanging ang Tawi-Tawi lamang ang huling probinsiya na sa mga susunod na mga araw ay doon nila ilulunsad ang nasabing programa.
Dagdag pa nito na mayroong 427 na sites sa buong bansa ang nagbebenta ng P20 kada kilo na bigas.
Aabot na rin sa 1.2 milyon na katao na ang nakinabang mula ng ilunsad ang nasabing programa.
Nahigitan nila ang target na 136 sites sa 13 probinsiya noong ilunsad ang programa noong Mayo.
Plano ng DA na sa buwan ng Disyembre ilunsad ang P20/kg. na bigas sa Tawi-Tawi.















