Pinayuhan ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang mga foreign investors maging ang mga banyagang bibiyahe sa bansa na kumpletuhin ang kanilang mga dokumento bago pumasok sa bansa.
Sa Malacanang press briefing sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na kailangan ng mga banyaga ang valid at existing visa bago makapasok dito sa bansa.
Para naman daw sa pagpasok ng mga foreigners na mayroong mga asawang Pinoy, anak at mga dating Filipino, kailangan ay may kasama ang mga itong Pinoy o ang dating Filipino para makapasok ng bansa.
Sa mga balikbayan naman, kailangan daw ay kasali sila sa listahan ng 167 bansa na mayroong Visa-free.
Papayagan ang mga itong makapasok sa bansa simula sa Disyembre 7.
Sa kabila ng paglululuwag sa mga banyaga at mga babalik na mga Pinoy sa bansa, ipinaalala ni Sandoval ang mahigpit na pagsunod sa health protocols sa mga paliparan.