-- Advertisements --

Nagiwan ng isang babala si National Food Authority (NFA) Administrator Dr. Larry Lacson sa mga personalidad na patuloy na gumgawa ng mga katiwalian sa loob ng kanilang tanggapan bilang bhagi pa rin ng ‘internal cleansing’ ng ahensya.

Sa isang panayam sa Bombo Radyo Philippines, inihyag ni Lacson na matagal na silang nkakatanggap ng mga ulat na siyang maiiugnay sa galaw ng presyo ng palay, may mga nauunang traders, at marami pang ibang complaints.

Aniya, Marso pa lamang ng nakarang taon ay pinalakas at pinalalim na ng kanilang tanggapan ang pagsasagawa ng audit sa mga naturang reklamo kung saan halos 54 ang nahainan ng show cause orders.

Maliban dito ay 35 na ang nasampahan ng mga kasong administratibo habang 6 na kaso na ang kasalukuyang iniimbestigahan mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Binigyang diin naman ni Lacson na ito lamang ay isang patunay na hindi sila humihinto na alamin at tukuyin ang mga personalidad sa likod ng mga gawain ito.

Ani pa ng opisyal, hindi lamang ito masyadong hina-highlight dahil dapat na dumaan muna sa tamang proseso at mapatunayang guilty ang mga personalidad na ito.

Ang mahalaga din aniya ay nakakapagiwan sila ng mahigpit na mensahe na kung mayroon silang ginagawang kalokohan ay paniguradong hindi ka makakalampas sa mga imbestigasyon at audit na kanilang isasagawa.

Samantala, sa kasalukuyan ay 25 na ang suspindido sa ilalim ng kaniyang liderato at siniguro na patuloy ang kanilang ginagawang audit upang matukoy ang lahat ng tiwali hanggat hindi ito nahihinto.