Dinagdagan ng National Food Authority (NFA) ang proseso ng quality checking mga bigas mula sa kanilang mga buffer stock bago pa man ito ibenta sa publiko sa pamamagitan ng mga Kadiwa stores.
Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ni NFA Administrator Dr. Larry Lacson na karaniwang ginagamit na quality control ng kanilang ahensya ang kung tawagin ay inherit system kung saan kada buwan ay kukuha sila ng samples mula sa mga bigas na siyang subject for laboratory analysis at organaliptic asssessment para malaman kung pasado ba for human consumption ang mga bigas.
Sa kasalukuyan ay dinagdagan nila ng bagong proseso ang quality assessment ng mga P20 rice kaya magmula sa karaniwang proseso na ito ay dadaan pa ito sa isang bag-to-bag checking bago ito tuluyang i-release sa Food Terminal Inc. (FTI) na siya namang nakatoka na magbenta ng mga bigas.
Ang karagdagang proseso ay alinsunod sa nging mahigpit na utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at isang mahigpit na direktiba mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat i-double check at tiyaking maganda ang mga kalidad ng bigas na ibebenta sa ilalim ng programa.
Sa kabila nito ay binigyang diin rin ng Administrator na kahit pa ilang layers ang gawin para sa quality control ng mga bigas ay hindi naman din ito lalabas na 100% na perpekto at magkakaroon pa rin ng mangilan-ilang problema sa kalidad nito.
Samantala, pagtitiyak naman ni Lacson, kahit magkaroon ng aunting isyu sa mga quality ng bigas ay ang mga ito naman ay tolerable at hindi naman malaking epekto para sa pagiging fit nito for human consumption.
Katatanggap-tanggap din aniya ang mga ganito dahil kahit saang industriya naman ay mayroon talagang may mga spots sa maiiwan at hindi talaga magiging 100% spotless ngunit magandang adhikain pa rin ng NFA na matiyak na ligtas at maganda ang mga kalidad ng P20 rice na ibinebenta sa publiko.