-- Advertisements --

Paiimbestigahan ngayon ng Land Transportation Office ang umano’y modus ng nasa 160 medical clinics na non-appearance issuance ng medical certificates sa kanilang mga kliyente.

Ayon sa LTO, ang medical certificate ay kabilang sa mga pangunahing requirement sa pagkuha ng driver’s license ng isang indibidwal para legal na makapag maneho ng sasakyan.

Sa isang pahayag sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza na sangkot rin ang non-appearance issuance ng medical certificates maging ang mga medical accredited ng LTO.

Karamihan aniya sa mga ito ay kahit hindi dumaan sa physical check up ay maiisyuhan na ng medical certificates kapalit ng bayad .

Kaugnay nito ay tiniyak ng opisyal ng kanilang mga clinic at doktor na sangkot sa ganitong modus at nagsilbi bilang signatory sa medical certificates.

Ngayong linggo ay magsisimula na ang pagpapadala nila ng Show Cause Orders sa naturang bilang medical clinics.