Idi-deploy na rin sa mga checkpoints sa probinsiya ng Sulu ang mga babaeng sundalo.
Ito ay bahagi ng ipatutupad na security adjustment ng militar, matapos ang madugong kambal na pagsabog nuong Lunes kung saan dalawang babaeng suicide bombers ang nanguna sa pagsabog.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay 11TH ID at JTF Sulu Commander BGen. William Gonzales naka alerto pa rin sa ngayon ang mga tropa matapos ang madugong kambal ba pagsabog.
Hinigpitan nila ang pag iinspeksyun sa mga tao lalo na ang mga labas masok sa bayan ng Jolo.
Aminado si Gonzales nahihirapan sila sa inspection sa mga babaeng Muslim sa mga checkpoints.
Kaya nagdeploy sila ng mga babaeng sundalo para ito anga mag inspeksyon sa mga babae.
Siniguro ni Gonzales kontrolado na ng militar ang sitwasyon sa probinsiya ng Sulu partikular sa Jolo.
” Isang matinding challenge dito lalo na ang pag ang suicide bomber ay babae, pero ang isa sa ginagawa naming technique ay sinasama namin, meron din kaming mga sundalong babae mga Muslim mga Tausog so sinasama namin sila o ino augment namin sila sa mga checkpoints at duon sa aming mga kasundaluhan para kung kinakailangan inspeksyunin yung mga babaeng Muslim sila yung nagi inspect,” pahayag ni BGen. Gonzales.
Siniguro naman ni Gonzales na sapat ang kaalaman ng mga sundalo lalo na duon sa mga suspected suicide bombers.
” Meron tayong training diyan, sa mga ginagawa nating monitoring malalaman din kung threat ang mga taong ito lalo na kung babae ang target natin, so may kaalaman yung ating mga sundalo, at yung intelligence monitoring natin ay nakakatulong para i identify itong mga perpetrators na to,” dagdag pa ni Gonzales.
Samantala, naniniwala si Western Mindanao Command Commander Lt Gen. Corleto Vinluan Jr, na iisa ang signature ng mga IED na ginamit ng dalawang babaeng suicide bombers sa kambal na pagsabog sa Jolo nuong Lunes.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Vinluan kaniyang sinabi na iisa ang signature ng bomba kahalintulad sa ginamit ng dalawang Egyptian nationals na nagpasog sa Indanan,Sulu.
Hindi binanggit ni Vinluan kung anong klaseng IED dahil nagpapatuloy pa ang post blast investigation.
Sinabi ng heneral na kanila pang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon ng PNP hinggil sa nangyaring kambal ng pagsabog.
Kasalukuyang nasa Sulu ang technical teams ng PNP Crime Laboratory at PNP Bomb Data Center para magbigay ng technical support sa mga investigators.