Nangako si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri na bibigyan ng pagkilala ng Senado ang mga atletang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas ngayong SEA Games 2019.

Ayon kay Zubiri, iimbitahan nila ang mga manlalaro ng bansa kapag natapos na ang mga aktibidad para sa malaking sporting event.

Pinuri din ng opisyal maging ang coaching staff ng mga event at iba pang bahagi ng paghahanda para sa laban ng ating mga player.

Planong ibigay ang pagkilala bago ang session break ng Senado para sa holiday season.