-- Advertisements --

Dismayado house prosecution panel sa naging hakbang ng kampo ni VP Sara Duterte partikular sa inihain nitong Answer Ad Cautelam sa Writ of Summons ng Senate impeachment court.

Ayon kay Atty. Antonio Bucoy, tagapagsalita ng prosekusyon imbes na direktang sagutin ang mga alegasyong nakalatag sa articles of impeachment ay inilihis ito ng kampo ng pangalawang pangulo sa procedural issues.

Batay sa tugon ng bise pinadi-dismiss nito ang impeachment complaint dahil sa paglabag sa one year bar rule at tinawag pang isang ‘scrap of paper’ p basura.

Giit ni Bucoy, hindi ito ang ‘bloodbath’ na kanilang inaasahan.

Hindi rin kinagat ng Bucoy ang sinasabi ng kampo ng bise na wala silang sasagutin dahil sa walang articles of impeachment.

Muling iginiit ni Bucoy na buhay na buhay ang articles of impeachment na siyang inilakip sa Writ of Summons.

Nilinaw din niya na hindi reply bagkus at Ad Cautelam ang inihain ng kampo ng bise, na ibig sabihin ay ‘is for caution’ dahil hindi pa rin niya kininilala ng hurisdiksyon ng senate impeachment court.

Gayonman, dahil sa nakasagot pa rin ang bise sa summons ay naniniwala silang uusad pa rin ang paglilitis

Mayroong limang araw ang kampo ng prosekusyon para tumugon sa answer ad cautelam ng bise presidente ngunit maaaring mas maaga pa aniya sila makapagsumite ng kanilang sagot.