-- Advertisements --

Nagtala muli ng serye ng test fire ang North Korea matapos magpakawala ng ilang ballistic missile patungong silangang bahagi ng dagat nitong Lunes.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea, pinalipad ang mga missile mula sa lugar na malapit sa Pyongyang bandang alas-9:20 ng umaga habang inihayag naman ng Japan Coast Guard na bumagsak na ang dalawang natukoy na projectile sa labas ng kani-kanilang teritoryo.

Lalo pang tumindi ang tensyon sa rehiyon sa nakalipas na mga linggo kasunod ng pagpapasabog ng landmine sa hangganan na ikinasugat ng tatlong sundalong South Koreans at ng magkakasunod na pagsasanay ng militar mula sa dalawang panig.

Bago ang panibagong pagpapakawala ng Pyongyang, pinangunahan pa ni South Korean President Lee Jae Myung noong nakaraang linggo ang public fire drill sa kauna-unahang hypersonic missile ng kaniyang bansa.

Ito na ang mahigit sampung uli nang paggamit ng North Korea ng kanilang mga missile ngayong taon mula nang huli silang magpakawala ng intermediate-range strategic missile noong Oktubre 3, 2026.