-- Advertisements --

Nagsagawa umano ang North Korea ng isang intermediate-range strategic missile drill nitong Sabado, Oktubre 3, na pinangunahan ng lider na si Kim Jong Un.

Inilunsad ang missile drill noong Sabado mula sa silangang bahagi ng North Korea at tumama sa target na 1,000 kilometro ang layo sa karagatan sa silangang baybayin ng bansa.

Dagdag pa ng KCNA, layunin ng naturang intermediate-range strategic missile na sanayin ang train troops na magpatakbo ng hypersonic strategic weapon system at suriin kung gaano kaepektibo ang kanilang mga sandatang nagsisilbing panangga o panakot laban sa posibleng pag-atake.

Ang naturang intermediate-range strategic missile drill ay ang pinakabago sa serye ng weapon testing ng North Korea ngayong taon. Nangyari ito habang tumitindi ang tensyon sa Korean Peninsula dahil sa pagsabog ng landmine sa Demilitarized Zone (DMZ) noong nakaraang buwan, na ikinasugat ng ilang sundalong South Korean.