-- Advertisements --
Tiniyak ngayon ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tuloy-tuloy ang pagtulong ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Neneng.
Partikular na rito ang pamamahagi ng pagkain, ang ligtas na inuming tubig at elektrisidad.
“To the provinces in the North that have felt the effects, help is on the way,” ani Marcos sa kanyang official Twitter account.
Hinimok din ng Pangulong Marcos na sundin ang direktiba ng mga local government units at municipal disaster risk reduction and management councils.
Muli ring siniguro ni Pangulong Marcos na tuloy-tuloy ang monitoring ng gobyerno sa pinsala ng bagyong “Neneng.”
Ang naturang bagyo ay ika-14 na bagyo na tropical cyclone na pumasok sa teritoryo ng bansa ngayong 2022.