Wagi ang apo at kamagnak ni dating Pangulong Rodgrigo Duterte sa Davao City sa katatapos lang na 2025 midterm elections, matapos makuha ang lahat ng lokal na posisyon sa lungsod.
Dinomina nina Rodrigo “Rigo” Duterte II at Omar Duterte ang naging eleksyon sa lungsod kung saan nakapagtala si Rigo ng 192,324 na boto bilang city council.
Samantala, ang kanyang kuya na si Omar Duterte ay nakakuha ng 160,432 na boto para sa unang distrito ng Kongreso at tinalo si Javi Garcia Campos. Makakasama niya ang kanilang ama na si Rep. Paolo Duterte, sa House of Representatives.
Bagamat hindi pa napag-uusapan sa pamilya, inaasahang si Rigo ang susunod na magiging vice mayor ng lungsod sakaling si Mayor Sebastian Duterte ay tumakto bilang alkalde sa gitna ng pagkakakulong ng kanilang lolo na si Rodrigo Duterte.
Ipinahayag ng magkapatid na nais nilang bigyang-prayoridad ang mga panukala sa kalusugan, edukasyon, at karapatan ng mga guro at health workers.
Sa kabila ng mga kasong kinakaharap ng pamilya, kabilang ang pananakit na isinasangkot kay Rep. Paolo Duterte, sinabi ng magkapatid na patuloy silang inspired na maglingkod dahil sa gabay ng kanilang lolo.
Nangako naman si Omar na hahanapan nila ng paraan para makauwi ang kanilang lolo sa bansa.