Harry Roque
Harry Roque

Naapektuhan rin ng African swine fever (ASF) si dating presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi nito na may mahigit 20 alagang baboy nito ang namatay sa kaniyang piggery sa Tanay, Rizal.

Hinala nito na kaya umabot sa kanilang lugar ang ASF dahil sa hindi sinunod ng kaniyang mga taga-alaga ang mga payo ng Bureau of Animal Industry para maiwasan ang ASF.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Agriculture na ang ASF outbreak sa Rodriguez, Rizal, Barangay Cupang sa Antipolo at Guiguinto sa Bulacan.