-- Advertisements --
Nangangailan pa ng $80 billion ang mga airline companies sa buong mundo para sila ay maka-survive dahil sa krisis dulot ng coronavirus pandemic.
Sinai ni International Air Transport Association (IATA) head Alexander de Juniac, na ang nasabing halaga ay siyang kailangan ng mga airline industries hanggang sa mga susunod na buwan.
Kapag wala aniya ang nasabing halaga ay mapipilitan ang mga ito na magsara na.
Habang tumatagal aniya ang krisis ay mas lalong tumataas ang tsansa ng pagka-bangkarote ng mga airline companies.
Umaabot kasi aniya sa 40 na mga airlines companies ang nanganganib na magsara.
Isa ang airline companies sa sector na labis na naapektuhan sa coronavirus pandemic dahil sa pagtigil ng mga biyahe sa ibang bansa.