Sisimulan na ng Mexico ang COVID-19 immunization ngayong Disyembre 24.
Sinabi ni Mexican Undersecretary of Health Hugo Lopez Gatell, na dumating na kasi sa kanilang bansa ang unang batch ng Pfizer-BioNTech vaccines.
Nakatago sa ligtas na lugar ang nasabing bakuna para matiyak na hindi ito mananakaw at masisira.
Una ng sinabi noon ni Foreign Minister Marcelo Ebran na mayroong 1.4 million doses na COVID-19 vaccine ang dumating sa kanila galing sa Belgium.
Unang bahagi lamang ito sa 34.4 million na bakuna na kanilang binili sa kumpanya.
Bumili rin ang Mexico ng 35 milllion doses na bakuna mula sa CanSinoBio at 77.4 millioin na bakuna mula sa AstraZeneca.
Umaabot kasi sa 1.33 million na kaso ng COVID-19 ang naitala sa Mexico at mayroong 119,495 na ang nasawi.