Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang isang vlogger mula sa Cebu matapos na magpakalat ng video ng isang suntukan sa loob ng iang pampasaherong bus at ipalabas ito bilang snatching incident.
Ayon kay Police Regional Office 7 Director PBGen. Redrico Maranan, nag-viral sa mga social media platforms ang naturang video nitong Hulyo nang ibhagi ito ng isang media outlet sa isa sa kanilang social media pages.
Kasunod nito ay agad na kumilos ang pulisya at nagsagawa ng imbestigasyon kung saan napagalamang hindi snatching incident ang nangyari at isa lamang away dahil sa tulukan sa loob ng bus.
Agad na naghain ng kaso ang mga pulisya laban sa vlogger dahil sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon at fake news na siyang nagdulot naman ng takot sa nakararami.
Samantala, nagbabala naman si Maranan sa publiko na nagtatangkang gumamit ng social media para magpakalat ng fake news na ang mga aksysong ito ay may katapat na karampatang parusa.
Nagpaaala rin ang opisyal sa publiko na maging mapanuri sa pagbabahagai at maging vigilante sa mga impormasyong nababasa sa internet para maiwasang mabiktima ng misinformation at fake news.