-- Advertisements --

Naglabas ng ilang mga paalala ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo o ang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno sa mga mananampalataya.

Pinaalalahanan ng simbahan ang mga deboto partikular sa mga lalahok ng ‘Blessing of Replicas of Jesus Nazareno ‘ na alamin kung saan kalsada sila umpisang pipila.

Ngayong araw kasi ng Sabado, ika-3 ng Enero isasagawa ang pagbabasbas sa mga replika ng iba’t ibang mga balangay o grupo ng mga deboto at pati personal na bitbit ng mga indibidwal.

Mayroon tatlong itinalagang mga kalsada o lugar sa paligid ng Quiapo para sa dadaanang pila ng naturang pagbabasbas na anila’y napagkasunduan naman ng pamunuan ng Hijos del Nazareno.

Unang pasukan o ‘entrance’ ay magmumula sa Rizal Avenue, kakaliwa ng Carriedo St, padiretso ng Plaza Miranda tungo Quzon Boulevard.

Sa footbridge kasi Quezon Boulevard gaganapin ang pagbabasbas sa mga replikang dala-dala at ibinyahe pa mula sa iba’t ibang mga lugar.

Pangalawang pasukan nama’y mag-uumpisa sa Plaza Lacson, sa may Sta. Cruz tatahakin ang Carlos Palanca sumunod ang Villabos St. papasok Plaza Miranda patungong Quezon Boulevard.

Habang ang panghuling pila ay mula sa kabilang kalsada ng Carlos Palanca, kakanan sa ilalim ng Quezon Bridge para diretsuhin ang southbound ng Quezon Boulevard.

Paalala pa ng pamunuan ng simbahan na iwasan na dumaan sa Quezon Boulevard tungo sa umpisa o papasukang pila.

Habang para sa mga debotong may bitbit atiniingatang replika nama’y maaari anilang magmula sa Carriedo St. para makasabay sa pagbabasbas.

Hinimok naman ang mga may sasakyan na iwasan na ang pagdaan patungong Quiapo at papuntang South sa nga oras ng alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Mag-uumpisa ang pagbabasbas sa mga replica ng Poong Jesus Nazareno na pasado ala-una bago mag-alas dos ng hapon.