KALIBO, Aklan—Walang masisidlan ng kaniyang tuwa’t saya ang 63-anyos na stroke survivor matapos na pinalad bilang regional prize winner sa grand draw ng One Two Panalo Part 24 ng Bombo Radyo at Star FM station nationwide na ginanap, araw ng Sabado, Disyembre 27, 2025.
Si Edgardo Garcia na residente ng Brgy. Cerrudo, Banga, Aklan ay pinalad na maibulsa ang P70,000 pesos gamit ang proof of purchase na Omega Pain Killer.
Aniya, habang namimitas ng mga tanim na kalamansi na siya ring ikinabubuhay ng kaniyang buong pamilya ay nakabukas ang kaniyang radyo kung saan, napatalon ito sa galak ng marinig ang kaniyang pangalan na isa sa mga regional prize winner ng nasabing pa-promo ng Bombo Radyo Philippines.
Malaki aniya tulong ang napanalunan nitong cash prize na kaniya ring gagamitin sa pagpapagawa ng ikalawag palapag ng kanilang bahay dahil sa binabaha ang mga ito sa oras ng may sakuna.
Ang Baranagay Cerrudo sa bayan ng Banga, Aklan ay isa sa mga naidentify na low lying areas dahil sa hindi naman kalayuan dito ang Aklan river.
















