-- Advertisements --

ALPHA PHI OMEGA-San Carlos City Pangasinan-Alumni Association (APO-SACIPAA) nagbigay ng libreng Gatas sa mga batang mag-aaral. Pinangunahan ng Alpha Phi Omega ang pamimigay ng libreng gatas -Reliv NOW milk -ngayong araw August 8, 2025 sa Pangalangan Elementary School-Barangay Capataan-San Carlos City Pangasinan.

Ang nasabing pamimigay ng libreng gatas buwan-buwan ay isinasagawa ng grupong APO bilang bahagi ng kanilang APO- Health Care Program-layunin nito na makatulong at palakasin ang immune system o pangangatawan ng mga kapos palad na mag aaral o may kakulangan sa kalusogan na walang sapat na kakayahan na makabili na nasabing Gatas. Ang programang ito ng APO sa Pangalangan Elementary School ay pinangunahan ni Mam Rebecca A. GAbriel-Teacher III-Mark Christopher S. Reyes – Bebhot Abad Mondares at Rogelio Cayetano pawang membro ng Alpha Phi Omega-San Carlos City Alumni Association.

Ito ay matagumpay na sinuportahan nina Sir APOLINARIO A. ROSARIO/ Head Teacher III- Sir LEOPOLDO SAMERA /Princinal- l – Mam SUGAR F. SARMIENTO -Asst. School Based Feeding PROGRAM Coordinator at Mam MERIAM L. MACARAEG/Teacher III- na pawang mula sa Pangalangan Elementary School.

Ang Health Care Program na ito ay nagsimulang ibahagi sa mga mag aaral sa ibat ibang paaralan ng San Carlos City Pangasinan sa pamamagitan ni Marlon Pantat De Guzman na derektang nakikipag usap at membro ng Reliv Kalogris Foundation kung saan nagmumula ang libreng gatas at isang OFW sa Hong Kong – Bise Presidente ng APO-San Carlos City Alumni Association. Ito ay ginagawa ng mga APO dahil sa sinumpaan nilang tungkulin sa kanilang kapatirang ALPHA PHI OMEGA- na maglingkod sa Sangkatauhan gamit ang THREE guiding principles ng kanilang samahan- LEADERSHIP-FRIENDSHIP and SEVICE to HUMANITY.