BUTUAN CITY – Patuloy pang hinihimay ng mga otoridad ang final investigation report sa naganap na barilan-patay sa pagitan ng isang pulis at isang job order employee ng Land Transportation Office (LTO) dakong alas-3:35 ng madaling araw kahapon sa Brgy Sta. Cruz, San Jose City, Dinagat Islands province.
Nakilala ang napatya na pulis na si Patrolman Ferry Sida Jaso, 29-anyos, may asawa, residente ng Maainit, Surigao del Norte at nadestino sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG- Dinagat Islands Provincial Field Unit (DIPFU).
Habang ang isa pang namatay ay si Anjun Casador, residente ng Purok 1, Barangay Sta. Cruz, San Jose, Dinagat Islands, isang job order employee sa lokal na pamahalaan at na-detail sa LTO-Dinagat Islands.
Ayon sa PCapt. Calvin Placer Jr., Officer In Charge ng San Jose Municipal Police Station, nagsagawa ng surveillance operation ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group – Dinagat Islands Provincial Field Unit (CIDG-DIPFU) laban sa suspek dahil umano sa kinasasangkutan nitong mga ilegal na aktibidad kungsaan may dala-dala itong armas pagkatapos ng trabaho.
Pagdating nila sa nasabing lugar ay nang bigla nitong binaril sa ulo si Patrolman Jaso na sya nitong ikinamatay at kaagad namang gumanti ng putok ang kasamahang pulis na si Patrolman Leonel Estroso at binaril ng pitong beses si Casador na agad rin nitong ikinamatay.
Ayon kay ni PCapt Placer, bago pa lamang na-assign si Estroso sa nasabing lugar, mula sa Silang, Cavite kung kaya’t hindi ito nakilala at hindi nabaril ni Casador.