Jerwin Ancajas

Nagpahayag ng interest si Mexican WBC junior bantamweight champion Juan Francisco Estrada na labanan si Jerwin Ancajas.

Sinabi ni Francisco na handa na ito ng magkaroong ng unification bout sa IBF champion Ancajas.

Ituturing niya ito bilang huling laban bago siya umakyat ng bantamweight class.

Nauna rito katatapos lamang talunin ni Ancajas si Ryuichi Funai ng Japan at inihayag nitong interesado siyang makaharap si Estrada.