-- Advertisements --

Bumaba na sa “high risk” mula sa dating critical risk ang COVID-19 classification sa bansa at sa Metro Manila.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na kahit na bumaba na ang classification nito ay nananatiling mataas pa rin ang average daily attack rate (ADAR).

Mayroon pa kasing pitong average daily cases sa 100,000 population area kaya maituturing na mataas pa rin ang ADAR.

Dagdag pa ng kalihim na ang mga kaso ng COVID-19 sa NCR ay bumaba na at ang tumataas ngayon ay sa ibang mga probinsiya.