-- Advertisements --

Itinuturing ni Atty. Amando Ligutan, lead counsel ng ikatlong impeachment complaint, bilang pinakamabigat na kaso laban kay VP Sara ang ginawa niyang pagbabanta sa buhay nina Pang. Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at presidential cousin, Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Nobiyembre-23, 2025 noong nagsagawa ng isang press conference si VP Sara kung saan inamin niyang may kinausap na siyang papatay kina Pang. Marcos kung siya ay mapapatay.

Para kay Ligutan, ang mga naturang pahayag ay matibay na ebidensiya laban sa pangalawang pangulo, lalo na kung umusad ang kaniyang mga kaso sa trial.

Giit ng abogado, hindi pa nangyayari sa ibang bansa na ang pangalawang pagulo ay nagbabanta sa mismong nakaupong pangulo.

Kung nangyari aniya ito sa ibang bansa, matagal nang napaalis sa puwesto ang bise presidente, mula noong araw na nagbanta siya sa buhay ng pangulo, kaniyang asawa, at dating speaker of the House

Ang naging pagbabanta ni VP Sara ang isa sa mga basehan ng mga impeachment complaint na inihain laban sa kaniya.

Tinalakay ito ng Kamara sa huling araw ng hearing kung saan nagsilbing pangunahing resource person ang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsagawa ng imbestigasyon sa naturang pagbabanta. (report by Bombo Genesis)