-- Advertisements --
Naging maganda ang simula ng atleta ng bansa sa 33rd Southeast Asian Games na ginaganap sa Bangkok, Thailand.
Nagwagi kasi sa unang round ang Men’s Polo team laban sa Indonesia sa 2-4 goals event sa VS Sports Club sa Samut Prakan.
Ito ang unang pagsabak ng Mens’ Polo team matapos ang anim na taon na hindi pagsali.
Binubuo nina Stefano Juban, Eduardo Miguel Lopez, Jose Maria Augusto de Jesus, Patrick Antonio Cruz, Robert Esguerra, Angelo Abelardo Gerard Licaros at Juan Xavier Tengco ang koponan kung saan target nilang makakuha ng gintong medalya.
Susunod na makakaharap nila ang Thailand sa araw ng Sabado.
















