-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan ang Philippine Men’s National Football Team sa SEA Games mataposa talunin ang Indonesia 1-0.

Ang nasabing panalo ay siyang nagdala sa Pilipinas para makapasok sa semifinals.

Ito kasi ang unang pagkakataon sa loob ng 34 taon na makapasok ang men’s football team sa semifinals sa laro na ginanap sa Chiang Mai, Thailand.

Ang natatanging goal ay naitala ni Otu Banatao sa 45+1 bago ang halftime.

Pagpasok ng second half ay naging matindi ang depensa ng Pilipinas at hindi na pinayagang makapagtala pa ng goal ang defending champion.

Mayroon ng dalawang panalo at wala pang talo ang men’s football team para sa group stage.

Noong 1991 kasi na SEA Games na ginanap sa bansa ay nabigo ang Pilipinas sa Singapore 2-0 para sa bronze medal match.

Unang tinalo ng Pilipinas ang Myanmar 2-0 kung saan hinihintay na lamang Pilipinas ang top team sa Group A o B para sa semifinals matchup na gaganapin sa Disyembre 15.