Naglabas na ng bagong schedule ang men’s ATP tour at women’s WTA Tour para sa kanilang pagbabalik sa laro.

Gaganapin ang men’s tennis tournament sa August 14 sa Citi Open, ATP 500 event sa Washington, D.C.

Habang ang women’s tennis tournament ay gaganapin sa Palermo, Italy sa Agosto 3.

Sinabi ni ATP chairman Andrea Gaudenzi na ang objective ng maagang pagbabalik ay para maisalba ang mga tournament ngayong taon.

Magugunitang noong Marso ay maraming mga tennis tournament ang naihinto ang mga laro dahil sa coronavirus pandemic.