jerald5
Photo from BCDA

Nagsagawa na ng inspection ang pamahalaan sa bagong tayong swabbing center ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na matatagpuan sa Maynila.

Ang Palacio De Manila tent na matatagpuan sa Roxas Boulevard at ginawang swabbing center ay binisita kanina nina COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, Jr., Deputy Chief Implementer Vince Dizon, Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III at Philippine Coast Guard Commandant Admiral Joel Garcia.

Matatagpuan sa pasilidad na sumailalim sa inspection ng national task force representatives ang 65 specimen collection booths.

Ang mga booth ay itinayo para siguruhin ang proteksiyon ng mga health workers.

Dito rin posibleng ma-detect ang mga pasyenteng may virus at sa pamamagitan ng naturang facility ay agad maisasailalim sa isolation ang mga pasyente mula sa komunidad.

Magbubukas ang naturang swabbing center bukas, Mayo 6.