CAUAYAN CITY- Itinuturing na breakthrough ng pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army ang pagsisimula na ng vaccination para sa mga uniformed at non-uniformed medical frontliners.
Kauna-unahang nabakunahan si Brig. Gen. Larry Mejica, Assistant Division Commander ng 5th Infantry Division sumunod si Col. Marcel Dela Cruz, Chief of staff at si Lt. Col. Ian Joseph Rigor, Commanding Officer ng Station Hospital ng 5th ID.
Ayon kay Lt. Col. Rigor may 10 doses ng Astrazeneca ang ibinigay ng DOH region 2 na ituturok sa mga may comorbidity habang Sinovac Vaccines naman sa mga medical frontliners.
Sa kabila ng may pangamba ang publiko sa bakuna kontra COVID-19 ay positibo ang pagtanggap ng mga sundalo sa bakuna batay na rin sa kanilang isinagawang survey.
Ngayong araw ay inaasahanag mababakunahan ang nasa 300 personnel ng 5th ID habang ang 2nd dose naman ay inaasahang ituturok matapos ang apat na buwan.
Per batch ang ginawang pagbabakuna sa mga personnel upang matiyak na masusunod pa rin ang mga nakalatag na health protocols.