Sinalubong Professional Regulation Commission ang kanilang mga bagong talagang chairperson at miyembro ng Professional Regulatory Boards
Ang seremonya ng panunumpa ay isinagawa sa PRC Main Building, na matatagpuan sa Maynila.
Mismong si PRC Chairperson Charito Zamora ang nanguna sa seremonya ng panunumpa
Ang oath taking ay dinaluhan din nina Commissioner Conrado Onglao at Assistant Commissioner L. Louis Valera
Kabilang sa mga opisyal na pormal na nanumpa para sa Board of Fisheries sina Westly Rosario, Gerald Quinitio, Joebert Toledo, at Fatima Idris.
May dala-dalang malawak na karanasan ang mga naitalagang opisyal, na nagmumula sa iba’t ibang sektor at industriya.
Tiwala ang PRC na ang kanilang kadalubhasaan at malawak na karanasan ay magiging malaking ambag sa patuloy na pag-unlad at modernisasyon ng kani-kanilang propesyon.
















