Nasa 17 katao na ang nasawi habang mahigit kalahating milyon katao ang naapektuhan ng bagyong Inday.
Ito ay base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan ang 17 mga naitalang bikitma ay nasawi dahil sa pagkakalunod at landslides.
Ang 10 sa mga nasawi ay mula sa Malapatan , Sarangani habang ang lima ay mula sa Calanogas, Lanao del Surat dalawa naman ay mula sa Bukidnon.
Mayroon siyam na katao ang nawawala kung saan anim dito ay mula sa Calanogas at tatlo naman ay mula sa Malapatan.
Aabot sa 112,500 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo.
Nakapagbigay na ang gobyerno ng nasa P16.41 milyon na halaga ng tulong para sa mga apektadong residente.
Magugunitang tuluyan ng nakalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Inday nitong araw ng Sabado.















