-- Advertisements --

Isiniwalat ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na inalok siya ng retired military at PNP officials na lumahok at maging bahagi ng “civil military junta.”

Sa panayam, iginii ni Lacson, bagama’t inalok siya, hindi niya raw ito pinapansin. 

Pumutok daw ito bago ang ikinasang national rally for peace ng Iglesia Ni Cristo, ang paglabas ni dating Congressman Zaldy Co, at posibleng pagkatapos din ng naging speech ni Senadora Imee Marcos sa INC rally — na base sa kanyang pag-analisa ay isang orchestrated o planado. 

Layunin umano nito na pababain sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at magkaroon ng total reset ng mga opsiyal ng gobyerno. 

Naniniwala ang senador na ang tinatawag na “transition council” at umano’y military-backed “reset” ay pawang labag sa Konstitusyon. 

Sa pagtutol sa “unconstitutional” na pagpalit ng liderato, binigyang-diin ni Lacson na sa ilalim ng 1987 Constitution, ang linya ng succession ay nagtatapos sa House Speaker.

 Ito ang dahilan kung bakit niya inihain ang kanyang “Designated Survivor” bill upang palawigin ang succession line at isama ang pinakamatandang miyembro ng Senado at Kamara.