-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court (ICC) ang medical examination kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para malaman ang kaniyang kakayahan na makisali sa pre-trial proceeding kabilang na ang confirmation of charges.

Ang nasabing desisyon ay kasunod ng serye ng paghahain at deliberasyon sa ilalim ng Pre-Trial Chamber I at ang pagtatalaga ng tatlong medical experts ni Duterte.

Ang Chamber ay binubuo ng mga Judges na sina Iulia Antoanella Motoc, Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou, at María del Socorro Flores Liera.

Sila rin ang nag-utos sa Registry na magsagawa ng medical examination at magbigay ng kumpletong records ng dating Pangulo sa panel ng tatlong independent medical experts.

Ang mga medical panel ay binubuo ng forensic psychiatrist, a neuropsychologist, at geriatric and behavioral neurologist.

Inaasahan na magbibigay ang mga ito ng rekomendasyon sa anumang espesyal na paraan na kailangan para matiyak na mayroong pantay at tamang pagdinig sa kaso ng dating pangulo.

Itinakda ang paghahan ng record sa Registry bago ang Oktubre 31.

Magugunitang ipinagpaliban ang confirmation of charges hearing noong Setyembre 23 dahil sa hiling ng defense team.