Muling inulit ni Mexican boxer Oscar De La Hoya ang hamon nito kay Floyd Mayweather Jr sa push-up competition para makalikom ng pondo sa paglaban sa coronavirus.

Sinabi ng tinaguriang ‘Golden boy’ sa boxing na ang sinumang matalo ay magbibigay ito ng donasyon.

Sa bawat push ups ay katumbas ng $1.

Bukod sa American boxer ay maaaring gawin din ito sa mga kaibigan nila o mga negosyante para makatulong sa mga naapektuhan coronavirus.

Sa ngayon ay hindi pa tinatanggap ni Mayweather ang nasabing hamon.