ILOILO CITY- Umalma si Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sa nagpakalat ng fake news na nakasalamuha nito ang nagpositibo sa coronavirus disease o covid-19 sa Iloilo.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Treñas, sinabi nito na walang katotohanan at pawang haka-kaha lamang ang nasabing impormasyon.

Ayon sa alkalde, walang dahilan para sumailalim siya sa self quarantine dahil wala naman itong flu like symptoms.

Nanindigan si Treñas na malakas ang kanyang pangangatawan at tiniyak na hindi siya makakalapit sa sinomang pinaghihinalaan na persons under investigation o persons under monitoring.

Napag-alaman na tuwing may pressconference ang alkalde, naglalagay siya ng plastic celophane sa harap ng kanyang mesa, upang hindi malapitan ng publiko.

Sa ngayon, may isang positibo sa coronavirus disease 2019 sa Iloilo at sumasailalim sa self quarantine ang pamilya at kasambahay nito.