Mayor Raul Palino
Teresa, Rizal Mayor Raul Palino

Tinambangan ang van na sinasakyan ni Teresa, Rizal Mayor Raul Palino.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan lumalabas na habang nasa kahabaan ng E. Rodriguez Avenue sa Brgy. Poblacion, Teresa, Rizal ng sila ay biglang tinambangan ng hindi kilalang mga armadong kalalakihan.

Sugatan sa insidente ang driver at bodyguard ng nasabing alkalde.

Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa insidente.

Una rito, isa ang mayor na kabilang sa narco-list na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa iligal na droga.