Nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno a wala siyang plano na tumakbo sa pagkapangulo sa halalan na gaganapin sa 2022.
Aminado raw si Moreno na masaya siya dahil nakasama ang kaniyang pangalan sa isa sa mga presidential bets sa 2022 batay sa inilabas na listahan ng Pulse Asia survey.
Labis ang pasasalamat ng alkalde sa mga sumagot ng naturang survey ngunit mas kailangan pa rin daw na mag-focus ang bawat isa sa realidad na nahaharap pa rin sa health crisis ang buong mundo.
Gayundin ang panawagan niya sa mga pangalan na nakasama sa nasabing listahan.
Nabatid kasi sa sruiver na 12 porsyento ng 2,400 respondents ang nagsabi na iboboto nila si Moreno kung sakali na mapagdesisyunan nitong tumakbo sa pagka-presidente.
Ayon sa alkalde, mas mahalaga sa mga panahon ngayon ang kung ano ang mga gagawing hakbang para labanan ang pandemya na dala ng coronavirus disease.
Mas maigi rin aniya kung mas pagtutuunan na lamang ng pansin ang plano ukol sa pamamahagi ng bakuna na inaasahang sisimulan sa first quarter ng kasalukuyang taon.