-- Advertisements --

Umabot na sa 20 ang kumpirmadong nasawi habang 134 ang sugatan sa isang pagsabog sa isang pabrika sa rehiyon ng Ryazan, Russia.

Ayon kay Pavel Malkov, gobernador ng Ryazan, nagsimula ang insidente sa isang sunog sa loob ng workshop ng nasabing pasilidad.

Gayunpaman, hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng sunog o kung ano ang ginawa sa pabrika. May mga ulat na posibleng sa panta nagsimula ang pagsabog, ngunit hindi ito kinumpirma ng mga opisyal.

Sa kasalukuyan, 31 sa mga nasugatan ay nananatili sa ospital habang 103 ang nagpapagamot bilang outpatient.

Ipinakita sa mga video mula sa Ministry of Emergency ng Russia ang lawak ng pinsala, kung saan makikita ang mga bumbero at search dogs na naghahanap sa gumuhong bahagi ng gusali.

Mayroon ding mga psychologist na nagbibigay ng suporta sa mga apektadong residente.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ukol sa sanhi ng insidente.