LEGAZPI CITY – Ipinag-utos na ng korte ang pag-aresto kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Ibinaba ng Legazpi Regional Trial Court Branch 10 ang arrest warrant laban sa alkalde kaugnay ng kinakaharap na two-counts ng kasong murder matapos na iugnay sa pagpaslang kay Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Nakabantay na rin sa labas ng bahay ng alkalde ang ilang tauhan ng pulis para sa inaasahang pag-aresto.

Matatandaang Disyembre 2018 nang barilin-patay ang mambabatas at police escort na si SPO2 Orlando Diaz sa gift-giving event sa Brgy. Burgos sa bayan ng Daraga.

Sa paglantad ng mga umaaktong salarin, itinuro ng mga ito si Baldo bilang umano’y mastermind sa pagpaslang kay Batocabe.

Mayor baldo daraga
Daraga Mayor Carlwyn Baldo faces the media in his press conference

Samantala, makakatapat sana ni Baldo sa mayoralty race si Batocabe na tatakbo sa naturang bayan.

Sa ngayon ang pumalit sa pinatay na congressman ay ang kanyang misis.