Suportado ni Dallas Mavericks owner Mark Cuban ang pagpapalit ng NBA logo sa logo ng pumanaw na si Kobe Bryant.

Sinabi nito na hindi lamang basketball ang usapin dito at sa halip ay pinagkaisa ng Los Angeles Lakers star ang mga tao.

Magugunitang umani ng ilang milyong pirma ang petisyon na dapat palitan na ang logo ng NBA sa logo ni Bryant.

Sinuportahan din ito ng ilang mga manlalaro gaya nina Paul Pierce at Jamal Crawford.

Maging ang mga celebrities gaya nina Justin Bieber, Snoop Dogg, Usher, Meek Mill at maraming iba ay nais na palitan ang Jerry West logo.

-- Advertisement --