Pinatawan ng NBA si Dallas Mavericks owner Mark Cuban ng $500,000 na multa dahil sa pambabatikos sa mga referee.

Mark Cuban
Cuban Tweet

Naganap ang ginawa nitong pambabatikos sa laro ng koponan kontra sa Atlanta Hawks noong Pebrero 22.

Ikinagalit kasi ni Cuban ang tila maling goaltending call sa final seconds ng laro.

Matapos ang laro ay nagpost sa kaniyang Twitter si Cuban na nagbabatikos sa mga game officials.

Sinabi NBA Commissioner Adam Silver na ang malaking multa ay magbibigay ng mabigat na mensahe sa buong liga.