-- Advertisements --
Mas pinili ni Dallas Mavericks center Willie Cauley-Stein na hindi maglaro muna kapag magbabalik na ang NBA.
Sinabi ng 26-anyos na Mavs player, na mahalagang unahin muna ang pamilya kaysa sa lahat kasama na ang NBA.
Nakatakda na kasing manganak ang asawa nito kaya gusto niyang maramdaman ang pagiging isang ama.
Taong 2015 ng maging 6th overall pick ito at nitong Enero lamang ay nai-trade ito sa Mavs.
Magugunitang magbabalik ang mga laro sa NBA sa July 30.