-- Advertisements --
Pinapayagan sa Singapore ang mga guro na paluin ang kanilang mga estudyante bilang paraan ng pagdidisiplina.
Ayon kay Desmond Lee ang education minister ng Singapore, sa edad na siyam ay maaring gumamit ng pamalo ang isang guro.
Paglilinaw nito na mayroong mga panuntunan silang sinusunod para hindi masaktan ang mga mag-aaral.
Inaaprubahan din ito ng mga principals at ilang school administration sa nasabing pagdidisiplina.
Bumabalangkas kasi ngayon ang mga mambabatas ng Singapore para sa tamang pagdidisiplina sa mga mag-aaral na maaring ipatupad sa susunod na taon.















