-- Advertisements --
Itinanggi ni Senator Pia Cayetano ang alegasyong nagpunta siya sa Singapore upang takasan ang napipintong mga reklamong legal laban sa kanya at sa kanyang kapatid na si Senator Alan Peter Cayetano.
Sa kanyang video post, nilinaw ni Cayetano na bumiyahe siya sa Singapore upang suportahan ang Philippine national Padel team na lalahok sa Asia Pacific Padel Tour Love All Grand Slam platinum Singapore.
Kinumpirma naman ng Bureau of Immigration na lumipad patungong Singapore ang magkapatid nitong Miyerkules ng gabi.
Iginiit ni Cayetano na walang katotohanan ang mga paratang na ginagamit nila ang biyahe para umiwas sa legal na proseso at tinawag itong gawa-gawa at malisyosong naratibo.
















