-- Advertisements --
Walang legal na dahilan para pigilan sa pag-alis ng bansa sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon sa BI, parehong bumiyahe patungong Singapore ang magkapatid nitong Miyerkules at kasalukuyan nang nasa labas ng bansa.
Sinabi ng ahensya na batay sa kanilang records, walang hold departure order o anumang derogatory record laban sa dalawang Senador noong araw ng kanilang pag-alis.
Dahil dito, wala umanong legal na basehan upang pigilan ang kanilang paglabas ng bansa.
Ang magkapatid na Cayetano ay parehong nahaharap sa mga usapin at imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyon ng iregularidad sa mga nakaraang proyekto.
















