-- Advertisements --

Wala umanong nakikitang kahina-hinalang development si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pagbiyahe abroad ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Lacson, may intelligence information siyang mag-isang bumiyahe si Cayetano patungong Singapore at hindi ito ginamit bilang transit point patungo sa ibang bansa.

Sa kabila ng mga imbestigasyon kay Cayetano kaugnay ng umano’y iregularidad sa hosting ng 2019 SEA Games at mga infrastructure project sa Taguig, sinabi ni Lacson na wala pa namang naihahaing summons laban sa senador.

Gayunman, sinabi ni Lacson na magiging isyu ang biyahe ni Cayetano kung hindi na ito dadalo sa mga sesyon ng Senado, lalo na sa oras na magsimula ang session.