-- Advertisements --

Tinawag ni VP Sara Duterte na “gawa-gawa” ang impeachment case laban sa kanya na inihain sa House of Representatives, kasabay ng pasasalamat sa patuloy na suporta ng kanyang mga tagasuporta.

Sa panayam sa The Hague, sinabi ng Bise Presidente na nananatiling matatag ang suporta mula sa kanyang mga tagasuporta mula pa noong mga nakaraang halalan, pati na rin ang mga hayagang tumututol sa impeachment sa pamamagitan ng mga rally at demonstrations.

Ibinahagi rin niya na napag-usapan nila ng kanyang ama na si Former Pres Rodrigo Duterte ang isyu, kung saan umikot ang kanilang pag-uusap sa pananampalataya at kapalaran.

Ayon kay Duterte, naniniwala siyang ang lahat ng nangyayari sa buhay ay nakatakda na ng Diyos, kabilang na kung siya ay ma-impeach o hindi.

Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands ang Bise Presidente upang bisitahin ang kanyang ama, na nahaharap sa kaso sa International Criminal Court. (report by Bombo Jai)